Nakatanggap ang 1,218 magpapalay mula sa bayan ng Lumban, Kalayaan, Pakil, at Pangil, Laguna ng tig-lilimang libong piso bilang bahagi ng Rice Competetiveness Enhancement Fund Rice Farmers Financial Assistance o RCEF-RFFA noong ika-4 ng Nobyembre 2022. Lubos ang pasasalamat ni G. Ernesto G. Rivera ng Lumban, Laguna sa natanggap na tulong.

“Napakalaking ginhawa nito sa sakatulad kong magsasaka sapagkat makakatulong ito sa gastusin ko sa aking palayan” aniya. #### (✍🏻 📸Bogs De Chavez)