10 kalabaw kalakip ng pagsasanay sa marketing, ipinagkaloob ng DA-4A sa mga katutubong aeta
Sampung kalabaw ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program sa Samahang may Pagkakaisa ng Katutubong Aeta noong ika-2 hanggang ika-3 ng Oktubre 2025 sa Catanauan, Quezon.
Kasabay din dito ang isang pagsasanay kalahok ang 42 miyembrong magsasaka ukol sa angkop na pagmamarket ng mga agrikultural na produkto. Ito ay upang palakasin ang kabuhayan at produktibidad ng mga katutubo tungo sa pagpapataas ng kita na hindi lamang manatili sa pagiging prodyuser kundi maging mga negosyante.
Ilan sa mga paksang tinalakay ay ang KADIWA program, pagla-label ng mga produkto, pagkakaroon ng kaisipang pang-negosyante, pagsisimula ng negosyo, pagpapaakredit sa pagiging Civil Society Organization, at mga programa ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ipinagpasalamat naman ni Angela Ducot, pangulo ng samahan, ang tulong sa kanila ng aktibidad na nakapagbukas sa kanila ng bisyon na maaari pa silang umunlad kapag nagtulong-tulong ang grupo sa pagtatayo ng negosyo. Malaking tulong din aniya ang pamimigay ng dagdag kabuhayang kalabaw sa kanilang mga miyembro tulad ni Evelyn Pinza upang mas maging aktibo sa samahan at pagbutihin ang pagsasaka.






All content is in the public domain unless otherwise stated.