100 AI Technicians, kabahagi sa idinaos na Regional Artificial Insemination Congress ng CALABARZON

 

 

Lumahok ang 100 AI Technicians sa idinaos na Regional Artificial Insemination Congress sa pagtutulungan ng Department of Agriculture IV-A CALABARZON at Agricultural Training Institute (ATI) – CALABARZON noong ika-23 ng Oktubre 2025 sa Los Baños, Laguna.

Layunin ng naturang aktibidad ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga ahensya, AI technician, at mga lokal na pamahalaan sa rehiyon upang maging mas epektibo at lumawak ang pagpapatupad ng Unified National Artificial Insemination Program (UNAIP) bilang daan tungo sa mas moderno, ligtas, at produktibong sektor ng paghahayupan.

Binigyang pagkakataon din na ma-update ang mga kalahok sa kasalukuyang sitwasyon at mga plano ng mga AI technician kaugnay ng kanilang gawain sa pagsusumpit.

Mula kay Roxane Halili, Pangulo ng LLANO Farmers Multi-Purpose Cooperative, nagbigay ng oportunidad ang kongreso para ipabatid ang kahalagahan ng pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga AI technician para sa mas sustenableng hinaharap ng pagsusumpit sa CALABARZON.

 

(Carla Monic A. Basister, DA-4A RAFIS)