2025 CALABARZON Livestock Congress isinagawa ng DA-4A

 

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Paghahayupan, isinagawa ang 2025 CALABARZON Livestock Congress na may temang “Panagdur-as: Makabagong Kasanayan, Lakas ng Paghahayupan para sa Masaganang Bagong Pilipinas.” Ito ay ginanap noong ika-28 ng Oktubre sa Lipa Culture and Arts Center, sa Lipa City, Batangas.

Ito ay upang iparating ng Department of Agriculture IV-A CALABARZON (DA-4A) ang kasalukuyang kalagayan ng sektor ng paghahayupan sa rehiyon, kabilang ang mga usapin sa African Swine Fever (ASF), Avian Influenza (AI), kahalagahan ng akreditasyon bilang Civil Society Organization (CSO), at pagrerehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Mula naman sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Landbank of the Philippines (LBP), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at Development Bank of the Philippines (DBP), naibahagi ang mga proseso ng pagkuha ng seguro at mga programang pinansyal at sagot sa mga katanungan ng mga livestock stakeholders hinggil sa kanilang mga pangangailangan sa sektor.

Iniangat naman ni Asst. Secretary for Ruminant Livestock Dr. Benjamin Albarece ang CALABARZON dahil sa nararanasang paglago ng rehiyon, partikular sa broiler at layer chicken populations, dala ng malakas na demand at suporta ng gobyerno. Aniya, dapat manatili ang suporta ng mga nasa sektor para mapanatili ito sa mahabang panahon.

 

(Carla Monic A. Basister, DA-4A RAFIS)