25 Kawani ng DA4A, Sumailalim sa Basic Incident Command System Training
Sumailalim sa tatlong araw na Basic Incident Command System (ICS) Training ang dalawampu’t limang kawani ng #DACalabarzon bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na palakasin ang kahandaan at kakayahan sa pagtugon sa mga emergency, sakuna, at kalamidad.
Pinangunahan ng Disaster Risk Reduction Management unit ang pagsasanay na isinagawa noong Agosto 5-7, 2026 sa Tagaytay City, Cavite. Nakatuon ito sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa paggamit ng Incident Command System (ICS), isang organisadong pamamaraan na naglalayong mapahusay ang koordinasyon, komunikasyon, at pamamahala sa panahon ng mga insidente at kalamidad.
Sa pamamagitan ng training, nabigyan ang mga kawani ng pagkakataong higit na maunawaan ang mga pangunahing prinsipyo at mekanismo ng ICS, gayundin ang mga tungkulin at responsibilidad sa ilalim ng framework nito. Ang kahalagahan ng malinaw na pagkakahati ng mga responsibilidad upang matiyak ang maayos na daloy ng impormasyon at mabilis na koordinasyon sa oras ng emergency.
Bukod sa pagtugon sa mga insidenteng may direktang epekto sa operasyon ng ahensya, layunin din ng pagsasanay na tiyakin ang kahandaan ng mga kawani hindi lamang sa kanilang mga regular na tungkulin, kundi handa ring kumilos nang maayos at episyente sa panahon ng krisis at iba pang emergency situations.
Sa pagtatapos ng tatlong araw na pagsasanay, nagpasalamat ang mga kalahok sa pagbabahagi ng ganitong kaalaman sa kanila. Hinikayat ni Maria Ana Balmes mula sa Field Operations Division ang mga nakasama sa pagsasanay, na ibahagi rin ang kanilang natutunan sa kanya kanyang opisina upang mapalakas ang kahandaan ng bawat isa.


