Anim na pinakaunang FMR projects sa ilalim ng DA-4A, aprubado na

 

 

Aprubado na ang anim na proyektong Farm-to-Market Road (FMR) na may kabuoang aprubadong halaga na Php108,908,114.13 sa isinagawang pre-bid conference ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A).

Ito ang mga pinakaunang FMR sa rehiyon sa ilalim ng pamamahala ng DA-4A. Alinsunod ito sa Administrative Order No. 4, Series of 2026 kung saan tuluyan nang ibinigay sa Department of Agriculture ang buong responsibilidad sa pagpapatayo ng mga kalsadang pang-agrikultura na dati ay hawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang mga kalsadang ito ay gagawin sa Brgy. Piis, Lucban, Quezon; Brgy. Sumilang, General Luna, Quezon; Brgy. Ibabang Pacatin, Pitogo, Quezon; at sa Brgy. Pagdadamayan, Brgy. Punta, at Brgy. San Vicente mula sa San Narciso, Quezon.

Dahil dito, inaasahan na mas mapapabilis at mas makakatipid sa pagbiyahe ng mga sariwang ani mula sa bukid patungong merkado. Ito ay malaking tulong  sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at mamamayan ng nasabing bayan.

Sa patuloy na pagpupulong ay siniguro ng mga kawani ng DA-4A ang pagtingin at pagtalakay sa mga kinakailangang dokumento na nakatakdang isumite, mga detalye ng konstruksyon na naaayon sa standard, panahon ng paggawa, at iba pang dapat ayusin upang agad nang masimulan ang mga nasabing proyekto.

 

(Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)