Simpleng mensahe ng pasasalamat sa ating mga mahal na magsasaka at mangingisda mula sa mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON

Farmers’ and Fisherfolk’s Month Celebration, May 26, 2020

  PANOORIN: Simpleng mensahe ng pasasalamat sa ating mga mahal na magsasaka at mangingisda mula sa mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON sa pangunguna ni Regional Director Arnel de Mesa, mga lingkod bayan, mamimili, kabataan, manggagawa, at iba pang mamamayan. PAGPUPUGAY SA MAGSASAKA’T MANGINGISDA NATIN, TUNGO SA SAPAT NA PAGKAIN! #calabarzonagri #farmersfisherfolkourheroes #farmersfisherfolkmonth2020 – continue reading

G. Gregorio “Ka Gorio” de Guzman

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Kahit na si G. Gregorio “Ka Gorio” de Guzman ay naharap sa maraming pagsubok sa pagsasaka (tulad ng pagpoprodyus at pagbebenta ng mga dekalidad na gulay, at pagkalugi ng 200 libong piso dahil sa hindi magandang produksyon ng kaniyang tanim na sitaw), hindi siya nawalan ng pag-asa; bagkus ay pinili niyang tumuon sa organikong – continue reading

G. Angelito "Ka Lito" Mendoza, na ginawaran bilang Outstanding High Value Crops Farmer ng Regional Gawad Saka Search para sa taong 2016 - 2017

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Si G. Angelito “Ka Lito” Mendoza, na ginawaran bilang Outstanding High Value Crops Farmer ng Regional Gawad Saka Search para sa taong 2016 – 2017, ay nagmamay-ari ng pitong (7) ektaryang lupain at nagrerenta ng karagdagang 1.2 ektaryang sakahan kung saan nagtatanim siya ng bigas, nag-aalaga ng mga hayop, at nagsasagawa ng inter-cropping ng – continue reading

Ang Yumi's Farm na pagmamay-ari ni Gng. Alicia Valdoria

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Ang Yumi’s Farm na pagmamay-ari ni Gng. Alicia Valdoria at ng kaniyang asawa ay nagsusuplay ng mga organikong gulay, pangunahin ang litsugas (iceberg), sa pamilihang lungsod ng Tayabas at iba pa nilang tagatangkilik. Malaki ang demand sa kanilang ani. Nakakapagbenta sila ng 50 kilo nito halos araw-araw sa 200 piso bawat kilo. Pinagtutuunan ngayon ng – continue reading

Taong 2016 nang maipakilala kay G. Pastor Magpantay ang paggamit ng binhi ng hybrid na palay.

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Taong 2016 nang maipakilala kay G. Pastor Magpantay ang paggamit ng binhi ng hybrid na palay. Simula noon ay palagi na siyang dumadalo sa mga talakayan at pagsasanay patungkol sa pagtatanim nito na isinasagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON na naging daan naman upang siya ay maging dalubhasa sa pagtatanim ng hybrid na – continue reading

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA! 1

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Bilang mga nagsisilbing boses at tulay sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa mga magsasaka at mangingisda, at sa pamamagitan ng suporta mula sa pamahalaang panlalawigan at sa Kagawaran ng Pagsasaka sa CALABARZON, naipasa at naisakatuparan ng Quezon Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) ang mga resolusyon sa ilang mahahalagang patakaran, pangunahin ang – continue reading

Bb. Michelle Razo ay isang agrikultor at labis na nagmamahal sa pagtuturo.

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Si Bb. Michelle Razo ay isang agrikultor at labis na nagmamahal sa pagtuturo. Siya ay tumatayong operations manager, farm director, at organic agriculture production trainer ng Sanctuario Nature Farms, Inc., isang sakahan na may lawak na dalawa at kalahating (2.5) ektarya. Ang sakahang ito na kaniyang pinamamahalaan ay may tanim na iba’t ibang klase – continue reading

Sorosoro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative (SMASC)

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Naging inspirasyon ng Sorosoro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative (SMASC) ang ilan sa naglalakihan at mauunlad na kooperatiba sa bansa sa paghahangad nito na mapaunlad ang kalagayan ng bawat miyembro at kani-kanilang pamilya. Sa pagtuon nila sa produksyon ng dilaw na mais, gamit ang makabagong pamamaraan ng pagsasaka, unti-unti nilang napataas ang kanilang ani – continue reading

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

PAGPUPUGAY SA ATING MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA!

  Patuloy na nagsusumikap si G. Orlando Pedraza kasama ang kaniyang mga magulang sa pagsasaka. Nagawa nilang produktibo ang dating tubuhan sa pamamagitan ng pag-aalaga rito ng iba’t ibang hayop at pagtatanim ng mga gulay at iba pang pananim. Si Kuya Orlan ay isa nang aktibo at responsableng lider-magsasaka sa kanilang pamayanan. Ibinabahagi niya sa – continue reading