Cooperative Transformation and CSO Accreditation Training para sa mga Corn Clusters ng CALABARZON pinangunahan ng DA-4A

 

 

Nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program para sa 48 magsasaka ng mais mula sa 27 bayan sa CALABARZON na nasa ilalim ng Quezon Corn Producers Federation Inc. noong ika-15 hanggang ika-17 ng Hulyo sa Lucena City, Quezon.

Tinalakay sa tatlong araw na pagsasanay ang mga kaalaman ukol sa mga prinsipyo at pagbuo ng kooperatiba, matutunan ang proseso ng Civil Society Organization (CSO) accreditation, mapalakas ang kasanayan sa dokumentasyon at pagsunod sa pamamahala ng organisasyon, pagpapalawak ng merkado, at mga kasanayan ukol sa Agricultural Basic Marketing.

Ayon kay Corn Growers Association of Tayabas (CGAT) President, Bb. Racquel R. Sauquillo, malaki ang naging pakinabang ng isinagawang pagsasanay dahil nagbigay ito sa kanya ng mga bagong kaalaman na maaari niyang maibahagi sa kapwa magsasaka. Aniya, ang mga natutunan, lalo na tungkol sa pagbuo ng kooperatiba, ay makakatulong hindi lamang sa pagpapabuti ng kabuhayan ng kanyang pamilya kundi maging sa patuloy na pag-unlad at pagpapalakas ng kanilang samahan.

Naging tagapagsalita sa naturang aktibidad ang mga representante mula sa Cooperative Development Authority (CDA), CSO at F2C2. Dumalo din ang representante mula sa Provincial Agriculturist ng Quezon.

 

(Glenda Marquez, DA-4A RAFIS)