DA-4A, Kaisa sa implementasyon ng Sagip Saka

 

 

Kabahagi ang Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa pagpapatupad ng Sagip Saka Act sa ginanap na Supply and Marketing Caravan: A Sagip Saka Regional Forum Series, noong ika-8 ng Hunyo sa Lipa City Batangas.

Sa ilalim ng RA 11321 o Sagip Saka Act, maaaring direktang bumili ng mga produktong agrikultural mula sa mga akreditadong kooperatiba at samahan ng mga magsasaka at mangingisda na naglalayong mapalawak ang kanilang merkado at mapataas ang kanilang kita.

Sa aktibidad ay nagbigay ng kaalaman  sina Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) OIC-Assistant Division Chief G. Richmond O. Pablo at G. Glenn T. Alianza kaugnay  sa nilalaman ng RA 11321 at Negotiated Procurement – Sagip Saka (NPSS). Sinundan naman ito ng pagtalakay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Public Food Procurement ng taong 2026 upang masmapalawak ang pagbili ng mga produktong agrikultural para sa mga programa ng kanilang Kagawaran.

Magtapos nito, nagsagawa ng open forum na naglalayong higit na mas mapagtibay ang pagtutulungan sa pagitan ng mga nagsidalo sa programa lalo’t higit sa mga kooperatiba.

 

(Glenda H. Marquez – RAFIS)