DA-4A namahagi ng 24 na Hauling Truck para sa mga magbababoy ng CALABARZON
Pormal na tinanggap ng dalawampu’t apat (24) na Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) sa rehiyon ng tig-iisang animal hauling truck mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA- 4A) Livestock Program noong ika-15 ng Disyembre sa Lipa City, Batangas.
Ito ay bilang suporta sa kanilang operasyon sa transportasyon ng mga hayop na makakatulong sa pagpapalakas ng kabuuang produksyon at kita sa sektor ng pagbababuyan. Kasabay nito, nagsagawa rin ng aktwal na demonstrasyon sa paggamit at pagpapaalala sa wastong operasyon ng truck at katiyakan sa kaligtasan.
Kasama sa mga benepisyaryo ang Cavite Farmers Feedmilling and Marketing Cooperative at Silang Livestock Agriculture Cooperative mula sa Cavite; Malinao Farmers Association at Pangkalahatang Samahan ng Magsasaka (PASAMASI) mula sa Laguna; Libato Farmers Husbandry and Corn Farming Association Inc., LIMCOMA Multi-Purpose Cooperative, Magahis Multipurpose Cooperative, Lucban Multipurpose Cooperative, Kamahari Agri-based Multipurpose Cooperative, Padre Garcia Development Cooperative, at Guinhawa Farmers Association mula sa Batangas; Sampaloc Agrarian Reform Beneficiaries Multi-purpose Cooperative, Amoranto Social and Economic Community Organization (AMORSECO), Organikong Tatak Yapak Farmers Association, Samahan ng mga Magbababoy ng San Francisco, Tulo-Tulo Hog Raisers Association, at Capuluan Tulon Farmers Association mula sa Rizal; at Agdangan Agri-business Farmers Agriculture Cooperative, Grupong Magsasaka ng Brgy. San Nicolas, General Luna Inc., Sampaloc Farmers Association, Dolores Development Cooperative, Pinagdanlayan Farmers Association, Concepcion Pinagbakuran Farmers Association, at Manggalang Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative mula sa Quezon.
Samantala, inihayag ni DA-4A Regional Executive Director Fidel Libao na patuloy na isusulong ng ahensya ang mga programang magbibigay ng konkretong suporta sa sektor ng paghahayupan sa rehiyon.






All content is in the public domain unless otherwise stated.