DA-4A, pinaigting ang pagsusuri at pag-apruba ng Cluster Development Plans sa CALABARZON

 

 

Pinaigting ng Department of Agriculture IV-A CALABARZON (DA-4A) ang pagsusuri at pag-apruba ng mga Cluster Development Plan (CDP) sa ilalim ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program katuwang ang Regional Program Management Office (RPMO) at Regional Technical Working Group (RTWG) noong ika-30 ng Setyembre sa Lipa City, Batangas.

Layon nito na matiyak ang maayos na integrasyon ng CDP sa mga plano at proyekto ng bawat lalawigan sa ilalim ng Province-led Agriculture and Fisheries Extension Systems (PAFES). Tinalakay rin ang mga tungkulin ng RTWG at RPMO sa paghaharmonisa ng mga estratehiya para sa mas epektibong pagpapatupad nito.

Ang CDP ay isang limang taong plano na magsisilbing batayan ng Kagawaran sa pamamahagi ng suporta sa mga klaster. Bahagi naman ng RTWG ang mga kinatawan mula sa DA-4A Banner Programs at Agricultural Program Coordinating Offices (APCOs).

Ayon kay Planning, Monitoring, and Evaluation Division Planning Officer Gamel Dean, dapat na eksakto at episyente ang nilalaman ng CDP upang tunay na matugunan ang mga pangangailangan ng bawat klaster.

Ipinahayag din ni DA-4A Regional Executive Director Fidel Libao ang suporta sa clustering efforts sa ilalim ng F2C2, na aniya’y nagbibigay ng mas malaking oportunidad sa mga samahan pagdating sa pagbebenta ng produkto at pag-akit ng institutional buyers.

 

(Carla Monic A. Basister, DA-4A RAFIS)