Maraming salamat, Farmer-Director Pedrito R. Kalaw!

Ginawaran ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pangunguna ni DA Assistant Secretary for Operations at DA-4A Regional Executive Director Engr. Arnel V. de Mesa ng Certificate of Appreciation si Farmer-Director Pedrito R. Kalaw bilang pasasalamat sa kaniyang oras, kahusayan, at kontribusyon sa ahensya sa pagseserbisyo sa mga magsasaka at mangingisda.

Si Farmer-Director Kalaw ay nagsilbi bilang pinuno ng DA-4A sa loob ng buong buwan ng Mayo, kasabay ng selebrasyon ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda.

Nagpasalamat si G. Kalaw at nangakong patuloy na makikipagtulungan sa Kagawaran para sa ikauunlad ng agrikultura sa rehiyon. “Ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa DA-4A sa pagkakataong magsilbi at masaksihan kung paano nagtatrabaho ang ating Kagawaran dito sa CALABARZON upang patuloy na maitaguyod ang agrikultura. Bilang chairman ng Regional Agricultural and Fishery Council ay patuloy naman din akong aalalay sa pag-monitor ng mga proyekto ng Kagawaran,” ani G. Kalaw.