DA CALABARZON, Pinalalakas ang Data Visualization sa Pamamagitan ng Excel Dashboard Training

 

 

Sumailalim ang ilang kawani ng #DACalabarzon sa isang pagsasanay ukol sa paggawa ng interaktibong dashboard gamit ang Microsoft Excel sa pangunguna ng Planning, Monitoring and Evaluation Division – Management Information Section (PMED-MIS) noong ika-19 hanggang ika-20 ng Agosto sa Lipa City, Batangas.

Layon ng pagsasanay na mas malinang ang kasanayan ng mga kalahok sa paggamit ng mga tool gaya ng PivotTables, charts, slicers, at iba pang interactive features ng Excel. Sa pamamagitan nito, inaasahang makabubuo sila ng mga epektibo at mas madaling maunawaan na data dashboards na makatutulong sa mas mahusay na pag-uulat at pagsusuri ng datos.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng digitalisasyon sa Kagawaran bilang suporta sa mas sistematikong pagsubaybay sa operasyon at pag-uulat ng mga pisikal at pinansyal na accomplishments ng iba’t ibang opisina.

Bilang pagtatapos ng pagsasanay, ipinrisenta ng mga kalahok ang kanilang sariling mga dashboard bilang aplikasyon ng kanilang natutunan at bahagi ng pagsusuri ng kanilang output.

Ayon kay PMED-MIS Head Julany Castillo, mahalaga ang ganitong aktibidad dahil bunga ito ng pagtutulungan ng opisina at dibisyon para sa kapakanan ng mga empleyado at sa patuloy na pagpapataas ng kalidad ng serbisyo ng DA-4A na sumasabay sa digitalisasyon.

 

(Carla Monic A. Basister, DA-4A RAFIS)