DA4A, nagsagawa ng Pagsasanay sa Responsableng Pamamahala ng Impormasyon para sa mga Information Officers sa CALABARZON

 

 

Sumailalim sa pagsasanay ang mga katuwang na ahensya at mga empleyado ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) ukol sa Training-Workshop on Media Crisis Management and Ethical AI Use in Government Communication Cum Coordination and Harmonization meeting sa pangunguna ng Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) noong ika-1 ng hanggang ika-2 ng Oktubre 2026 sa Lipa City Batangas.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga information officers at communication personnel ng mga kaugnay na ahensya sa wasto, maagap at responsableng pamamahala ng impormasyon, lalo na sa panahon ng media crisis.

Bahagi rin ng pagsasanay ang pagpapalakas ng koordinasyon at harmonisasyon ng sistema ng komunikasyon ng bawat Kagawaran at empleyado upang maging mas malinaw, pare-pareho at napapanahon ang paghahatid ng impormasyon sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang stakeholders.

Dito ay tinalakay ang Media Handling and Crisis Management, Facilitating Positive Media Relationship, Crisis Response Planning, Media Statement Writing, Handling Public Feedback at Responsible Ethical use of Artificial Intelligence in Public Information Writing.

Dumalo sa naturang aktibidad ang mga empleyado ng DA CALABARZON at mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA), Philippine Coconut Authority (PCA), Philippine Carabao Center (PCC), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC), Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), National Meat Inspection, Philippine Statistics Authority (PSA), Agricultural Training Institute (ATI), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), National Dairy Authority (NDA), National Food Authority (NFA),Bureau of Plant Industry (BPI) at Philippine Information Agency (PIA) na silang nagbahagi ng kaalaman sa mga kalahok.

Ayon kay RAFIS Chief Bryan E. Katigbak, malaking bagay ang isinagawang pagsasanay upang mapalakas ang kahandaan ng mga information officers sa pagharap sa iba’t ibang hamon sa komunikasyon at mapagtibay ang koordinasyon sa pagitan ng mga kaugnay na ahensya ng DA CALABARZON.

 

Glenda H. Marquez – RAFIS