Digitalisasyon para sa mabilis na proseso ng mga dokumento, isinusulong ng DA-4A
Isinusulong ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang digitalisasyon ng pagproseso ng mga dokumento upang mapabilis ito at ang pagpapatupad ng mga proyekto o programa ng Kagawaran.
Ito ay sa pamamagitan ng Document Tracking System (DTS) sa ilalim ng Unified Comprehensive Administrative System (UCAS) kung saan maaari nang magkaroon ng akses ang mga empleyado at opisyal ng Kagawaran sa lokasyon ng mga dokumento kalakip ang mga impormasyon at report na kinakailangan sa implementasyon.
Sa pangunguna ng Planning, Monitoring, and Evaluation Division – Management Information System (PMED-MIS) ay dalawang araw na pagsasanay ang isinagawa kasama ang mga representante ng bawat opisina simula noong ika-2 hanggang ika-3 ng Setyembre.
Ayon kay MIS Unit Chief Julany Castillo, layon ng MIS na maorganisa ang nasabing sistema sa tulong ng aktwal na pagpapasubok nito sa mga empleyado. Aniya, hangad nila ang madaling paraan ng pagtukoy ng estado ng mga papel sa kabila ng maraming inaasikaso sa tanggapan ng Kagawaran sa rehiyon.






All content is in the public domain unless otherwise stated.