Gender and Development Culminating Activity, Tagumpay na naisagawa ng DA CALABARZON
Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture Region IV CALABARZON ang Gender and Development Culminating Activity na may temang “Lead Like the Babaylans, Filipinas” noong ika-30
ng Marso, 2026.
Ito ay bahagi ng Women’s Month Celebration na naglalayong magbigay ng kamalayan sa mga manggagawa ng DA CALABARZON tungkol sa Safe Spaces Act at Anti-Sexual Harassment Act upang maprotektahan ang kapakanan ng bawat empleyado at mapanatili ang maayos na samahan at produktibidad sa loob ng opisina.
Ilan din sa mga tinalakay dito ang mga probisyon ng Philippine Constitution of 1987 patungkol sa Anti-Sexual Harassment, VAWC Law, at Safe Spaces Act, na nagpapahayag ng pagkilala at nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga kababaihan laban sa iba’t ibang uri ng pang- aabuso sa komunidad, sa trabaho, at pampublikong lugar.
Bukod dito, ginanap rin ang Awarding and Recognition of 2026 Most Outstanding Rural Women bilang pagkilala sa dedikasyon at pagsisikap ng mga kababaihan sa larangan ng agrikultura. Samantala, nagpasiklab naman sa pag-awit para sa Women’s Voices Celebration “DA CALABARZON Himig Choir Group” ang tatlong dibisyon ng DA CALABARZON kung saan itinanghal na kampeon ang Haraya PMED Chorale mula sa Planning, Monitoring, and Evaluation Division habang 1st Place naman ang Regulatory Division Chorale at 2nd Place ang Harvest Serenade mula sa Field Operations Division.
Sa huli, binigyang diin ni Ms. Amor A. Dela Cruz, GAD Focal Person na sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay hindi lamang mga talento ang naipakita kundi ang pagkakaroon ng patas na pagtingin sa mga kababaihan at kalalakihan na nagpapakita ng malasakit sa isa’t sa.
(Glenda H. Marquez – DA IVARAFIS)






All content is in the public domain unless otherwise stated.