Higit sa ₱2.7 Halaga ng Coffee Roasting Facility, ipinagkaloob sa Cavite

 

 

Ipinagkaloob ang higit sa ₱2.7 milyong pisong halaga ng Coffee Roasting Facility sa sa samahan ng Barangay Tua Farmers Agriculture Cooperative mula sa Magallanes, Cavite ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) noong ika-27 ng Marso.

Ito ang pasilidad na makatutulong sa mga magkakape na lutuin ang mga butil ng kape kung saan makakamit ang kinakailangang kalidad at tuloy-tuloy na produksyon tungo sa mas malaking merkado at kita.

Ayon kay OIC-Regional Executive Director Engr. Redelliza A. Gruezo, malaking bagay na akteditado na sa Civil Society Organization (CSO) ang samahan kaya nakatanggap ng mga interbensyon gaya ng pasilidad. Aniya, inaasahan ng Kagawaran ang patuloy na aktibong pakikipag-ugnayan at makabuo na rin ng isang buong cluster sa bayan ng Magallanes.

Si G. Mario Mendoza, pangulo ng samahan, ay buo ang pasasalamat dahil kahit maliit pa lamang sila na samahan ay may malaking tulong na agad ang pamahalaan sa kabila ng kanilang sipag at tiyaga. Dagdag pa niya, hindi na rin magtitiis ang mga miyembro sa mga tradisyunal na pamamaraan upang makabenta ng dekalidad na kape.

 

(Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)