Tumanggap ng sertipiko ng parangal ang lokal na pamahalaan ng Sampaloc, Quezon mula sa Regional Project Monitoring Committee (RPMC) ng National Economic Development Authority (NEDA) para sa kanilang huwarang implementasyon ng Mamala-Taquico-Caldong Farm-to-Market Road (FMR) na pinondohan ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP).
Tungkulin ng RPMC na subaybayan ang mga programa at proyekto ng gobyerno upang makapagtala ng mga mahahalagang karanasan, aral, at magagandang gawain na maaaring tularan o gamitin sa mga kasalukuyan at mga susunod pang aktibidad ng gobyerno. Pinamumunuan ito ng NEDA Regional Director at binubuo naman ng mga miyembro ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Pinarangalan ang Sampaloc LGU sa mga sumusunod na gawain, base sa isinagawang inspeksyon ng RPMC sa nasabing FMR noong ika-26 ng Enero: organisadong Municipal Project Management & Implementing Unit, maigting na koordinasyon ng LGU at contractor, mabilis na pag-aksyon sa mga isyu, aktibong pamumuno at partisipasyon ng punong bayan, paggamit ng mga DA-PRDP tools, pagkuha ng sariling Project Engineer na mamamahala sa proyekto, at paglalaan ng pondo para sa operations and maintenance ng kalsada.
Pinasalamatan ni DA-PRDP Regional Project Coordination Office CALABARZON Project Director Engr. Marcos Aves, Sr. ang RPMC para sa parangal at sa kanilang patuloy na pagsubaybay sa mga proyekto ng DA-PRDP. Binati rin niya ang Sampaloc LGU para sa kanilang masigasig na implementasyon ng FMR.
“Inaasahan natin na tutularan ng ibang LGUs at grupong may DA-PRDP subprojects ang good practices ng Sampaloc LGU. Pagsisikapan natin na magpatuloy ang ganitong klase ng implementasyon sa mga magiging proyekto sa ilalim ng DA-PRDP Scale-Up,” dagdag niya.
Ang 10.4 kilometrong Mamala-Taquico-Caldong FMR ng DA-PRDP ay may halagang Php 159,408,602.77. Layunin ninyong paghusayin ang lokal na industriya ng virgin coconut oil at padaliin ang transportasyon ng mga residente papunta sa kabayanan. Nasa 94 kabahayan ang nasasakupan nito sa sa mga barangay ng Mamala, Taquico, at Caldong. ### (Myrelle Joy Bejasa, DA-PRDP 4A InfoACE)
Betano https://betano-cl.com/ también garantiza la seguridad de sus clientes ofreciendo métodos de pago seguros y protección de datos. El equipo de atención al cliente está siempre dispuesto a ayudar y responder a cualquier pregunta que tengan los jugadores.
En definitiva, Estrela Bet https://estrela-bet-br.com/ es una casa de apuestas y un casino en línea fiable e innovador, que ofrece una amplia gama de opciones de juego y un alto nivel de servicio a sus clientes.