Implementasyon ng drone seeding sa San Juan, Batangas, pinangunahan ng DA-4A
Nagsimula na ang Drone Seeding Application under Scalable Hybrid Model Farm para sa 40 ektaryang target na palayan sa Brgy. Janao-janao, San Juan Batangas, noong ika-23 ng Hunyo sa pangunguna ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Rice Program katuwang ang Agricultural Training Institute (ATI), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), lokal na pamahalaan, Agridom, at mga magsasaka ng San Juan Farmerโs Association ng Janao-janao, Maraykit, at Sico.
Dito ay ipinapakita ang bisa ng Scalable Hybrid Model Farm kung saan napalalakas ang kakayahan na makasabay sa makabagong pamamaraan ng produksyon at makakuha ng napapanahong kaalaman at mahusay na kasanayan sa pagsasaka.
Sa pamamagitan ng drone seeding, naipamamalas naman ang mas mabilis at makabagong paraan ng paghahasik ng binhi sa mga sakahan. Layon nitong mabawasan ang oras at gastusin sa pagtatanim, at mapataas ang kahusayan sa produksyon ng palay sa rehiyon.
Isasagawa naman sa ibang araw ang Drone Seeding sa nasabing bayan ayon sa itinalagang iskedyul para sa mga magsasaka habang nakatakda namang idaos ang proyekto sa bayan ng Mabitac at Santa Maria, Laguna at Sariaya, Quezon na may tig-100 ektaryang taniman.
Nagpasalamat naman ang mga magsasaka sa idinaos na aktibidad. Kabilang na rito si G. Peter Jhoy Pasia na nagmamay-ari ng dalawang ektaryang sakahan at isa sa mga benepisyaryo ngdrone seeding sa nasabing bayan.
####(Glenda H. Marquez – DA IVA RAFIS)####






All content is in the public domain unless otherwise stated.