Implementasyon ng Farm-to-Market Road Projects sa CALABARZON, Ikinakasa na ng DA4A
Mas pinagtibay ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Regional Agricultural Engineering Division (RAED) ang pagpaplano at koordinasyon para sa implementasyon ng mga Farm-to-Market Road (FMR) Projects sa ilalim na General Appropriation Act (GAA 2026) sa p amamagitan ng isang pagpupulong na ginanap noong ika-8 ng Hulyo sa Argosino Hall, LARESCompound, Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maglahad ng kanilang ideya, suhestyon, at pananaw ukol sa implementasyon ng proyekto sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON. Aktibong nakibahagi sa programa ang 28 lokal na pamahalaan mula sa rehiyon at provincial engineer at provincial agriculturists mula sa Quezon.
Ayon kay OIC – Regional Executive Director Engr. Redelliza A. Gruezo, mahalaga ang presensya at pakikiisa ng mga kalahok para sa pagkakaroon ng kongkreto at epektibong plano sa implementasyon ng FMR projects na may malaking kapakinabangan sa mga magsasaka at iba pang benepisyaryo nito sa pagpapabilis ng transportasyon ng mga produktong pang- agrikultura.
Samantala, dumalo rin sa aktibidad sina OIC-Regional Technical Director, Engr. Romelo F. Reyes, Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED) Chief Carmelita S. Ramos, RAED Standards, Regulations, and Enforcement Section Chief, Engr. Triniza S. Jardin-Millare, RAED Program and Project Management Section Chief Joe Jana M. Baja, at Accounting Section Chief Anthony O. Mercado.


