Mahigit 40 kawani sa CALABARZON, sinanay sa Business Planning at Enterprise Assessment ng DA-4A
Mahigit 40 kawani mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo, Panlalawigang Agrikultor, at mga lokal na pamahalaan sa rehiyon ang sinanay ng DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa paggawa ng business plan at pagsusuri ng mga enterprise noong ika-8 hanggang ika-10 ng Oktubre sa Tagaytay City, Cavite.
Layon ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga teknikal na kawani bilang frontliners sa pagtulong sa mga Farmers' Cooperatives and Associations (FCA) sa pagbuo at pagpapaunlad ng kanilang mga enterprise.
Tinalakay ang mahahalagang bahagi ng business plan tulad ng organisasyon, merkado, operasyon, konsyumer, kakumpitensya, at pananalapi.
Ang business plan ay isa mga pangunahing pangangailangan para maging kwalipikado ang isang samahan sa mga tulong pinansyal, teknikal, at makakuha ng interbensyon mula sa pamahalaan. Ayon kay Jicelle Verdadero mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng Batangas, malaking tulong ang natutunan niya sa pagbuo ng business plan para mapadali ang paggagawad ng pondo sa kanilang tanggapan at magkaroon ng dagdag tekniko upang mas marami pa ang samahan na kanilang matulungan.
Hiling naman ni Field Operations Division Chief Felix Jocelito Noceda na maging isa ang direksyon ng DA-4A at ng bawat opisina sa panlalawigan at lokal na pamahalaan sa pag-akay sa mga FCA ng rehiyon tungo sa masaganang pagnenegosyo.






All content is in the public domain unless otherwise stated.