Mga kawani ng DA-4A sinanay sa epektibong paggamit ng social media para sa mga agri-impormasyon

 

 

Pinangunahan ng Department of Agriculture IV-A CALABARZON (DA-4A) Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) ang isang pagsasanay ukol sa Basic Content Creation at Social Media Management kabilang ang ilang mga kawani ng Kagawaran noong ika-29 hanggang ika-30 ng Oktubre sa Lipa City, Batangas.

Layon ng pagsasanay na bigyang kapasidad ang mga kalahok sa paggamit ng social media bilang epektibong plataporma ng impormasyon upang ipaabot ang mga programa, proyekto at serbisyong pang-agrikultura sa rehiyon.

Tinalakay dito ang pagbuo ng malakas na presenya sa social media sa pamamagitan ng paggawa ng mga nakaka-engganyong posts na pinagsama-samang text at larawan; pagpili ng tamang social media platform; pakikipag-ugnayan sa publiko; at paggamit ng analytics gaya ng ng likes, shares, at comments upang masukat at mapahusay ang mga susunod na post.

Para kay Bernadette Aguilera ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation o F2C2 Program, malaki ang naitutulong ng mga ganitong pagsasanay para maipresenta at mauunawaan ng maayos ang mga impormasyon na ipaparating ng DA-4A sa mga magsasaka at mga mangingisda.

 

(Carla Monic A. Basister, DA-4A RAFIS)