OneRicePH Project, Inilunsad ng DA-4A

 

 

Nagsagawa ang Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Research Division ng Consultative Meeting and Workshop on the implementation of OnericePH Module 5 Scale-up of High-Yielding, adaptive irrigated inbred, rainfed, and saline rice varieties in CALABARZON, noong ika-26 ng Hunyo sa Argosino Hall, LARES Compound, Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas.

Layunin ng paglunsad ang OneRicePH Module 5 Project na palakasin ang produksyon ng palay at mapabuti ang ani sa rehiyon ng CALABARZON sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga de-kalidad na binhi na angkop sa iba't ibang kondisyon ng lupa, kabilang ang mga lugar na maalat (saline) at umaasa lamang sa tubig-ulan.

Ayon kay Research, Regulations, and ILD, OIC-Regional Technical Director Maria Ella Cecilia B. Obligado, mahalaga ang implementasyon ng mga pananaliksik na isinasagawa ng Kagawaran upang masaksihan ng mga magsasaka kung ang isang proyekto ay kapaki-pakinabang sa kanilang mga palayan.

Sa pagtutulungan ng Department of Agriculture, IRRI, UPLB, at PhilRice, itinatag ang mga clustered On-Farm Technology Demonstration (EOFTD) areas upang ipakita ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Binibigyang-diin ng proyekto ang paggamit ng mga “resilient rice varieties” na kayang humarap sa hamon ng climate change, habang sinisiguro ang sapat na supply ng pagkain at pag-angat ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Isinagawa ang aktibidad kasama ang mga kinatawan ng LGUs at mga magsasaka mula sa Siniloan, Laguna; Balayan, Batangas; Morong at Tanay, Rizal; at San Francisco, Quezon at iba pang kawani ng DA CALABARZON.

Samantala, nagpasalamat naman si Project Leader at Senior Science Research Specialist, Bb. Daisynette D. Manalo sa pakikiisa ng mga nagsilahok sa idinaos na aktibidad na naglalayong mapagaan at mapaunlad ang pamumuhay ng mga magsasaka sa rehiyon.

 

(Glenda H. Marquez – DA IVA RAFIS)####