Oryentasyon para sa mga kawani ng DA-4A ukol sa angkop na pagresponde sa oras ng sakuna, isinagawa

 

 

Isang oryentasyon ukol sa angkop na pagresponde sa oras ng sakuna ang isinagawa ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) kasama ang mga representante ng bawat opisina sa tanggapan ng Kagawaran noong ika-12 ng Agosto sa Lipa City, Batangas.

Bahagi ito ng layunin ng DA-DRRM na ihanda ang sektor ng agrikultura sa pagharap sa mga kalamidad o sakuna sa pamamagitan ng mga pangunahing kaalaman ukol sa first aid gaya ng tamang paglalagay ng benda, Cardiopulmonary Resuscitation (CPR), at Automated External Defibrillator (AEDs).

Naging katuwang sa pagsasanay at mga demonstrasyon ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDDRMO) ng Lipa City, Batangas sa pamumuno ni Joseph Dondon Mitra kasama ang iba pa mula sa kanilang Operations and Warning Division.

Ayon kay DA-4A DRRM Focal Person Suzette Panopio, inaasahan nila na ang bawat opisina ng Kagawaran ay mayroong mga kawani na dumalo sa nasabing pagsasanay na makakapagsagawa ng mga estratehiyang makakapagsalba sa ibang tao sa oras ng mga hindi inaasahang pangyayari sa loob o labas man ng institusyon.

 

(Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)