Pagdiriwang ng National Women’s Month pormal na inilunsad ng DA-4A

 

 

Pormal na inilunsad ng #DACalabarzon ang selebrasyon para sa National Women’s Month na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society” sa Flag Raising Ceremony ng Kagawaran noong ika-9 ng Marso, 2026 sa Lipa City, Batangas.

Dito ay ibinahagi ni OIC-Regional Executive Director Engr. Redelliza Gruezo ang kalahalagan ng pagkapantay-pantay at respeto sa bawat isa anuman ang kasarian. Aniya, itinataguyod ng pamayanan ang pagkilala sa lakas at kakayahan ng kababaihan na siya ring mahalagang aspeto sa pag-unlad ng bawat sektor lalo na sa agrikultura.

Sinundan ang programa ng isang pagsasanay patungkol sa Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS), kung saan tinalakay ang mga hakbangin sa implementasyon ng mga programang tumutugon sa pantay at inklusibong kasarian at ang responsibilidad ng bawat opisina sa pagpapatupad nito.

Sa buwan ng Marso, inaasahan pa ang ilang aktibidad katulad ng Purple Wellness and Care Protection Seminar na tatalakay sa mga konseptong Family Planning at Reproductive Health, at Choral Competition bilang suporta ng Kagawaran sa pagkilala at pagsuporta sa mga kababaihan sa sektor.