Pagkaing tatak-CALABARZON, Bida sa Trade Fair and Exhibit ng DA 4A
Nagpasiklab sa pagluluto ang dalawang exhibitors sa naganap na Filipino Food Month CelebrationTrade Fair and Exhibit na pinangunahan ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) noong ika-28 ng Abril sa City Hall Covered Court, Trece Martires City, Cavite.
Ang naturang pagdiriwang ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 469, Series of 2018, kung saan ang buwan ng Abril ay opisyal na idineklara bilang ‘Buwan ng Kalutong Pilipino’ o Filipino Food Month na naglalayong magbigay-pugay sa mayamang kultura at tradisyon ng mga pagkain sa Pilipinas.
Nagpakita ng husay sa Cooking Demo si Bb. Grace Lupo Lamit para sa ipinagmamalaking kesong puti ng General Trias Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, habang si G. Christoper Galpa mula
sa Top Sizzling naman ang nagluto ng sikat na pork at bangus sisig na kilala sa lungsod ng Trece Martires.
Bukod dito, nakapagbenta rin ang 27 mga kalahok mula sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at Farmers Cooperatives and Associations (FCA) ng rehiyon sa kanilang mga produkto tulad ng suka, wine, juice, chips, dried fish, at kape.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si OIC-Regional Executive Director, Engr. Redelliza A. Gruezo sa Local Government Unit (LGU) ng lungsod at sa pakikibahagi ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka, na ayon sa kanya ay makakatulong sa pagtaas ng kanilang mga kita.
Samantala, nakiisa rin sa aktibidad si OIC- Chief of Field Operations Division, G. Felix Jocelito Noceda, OIC-Assistant Division Chief of Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), G. Richmond Pablo, Chief of Integrated Laboratories Division (ILD), Bb. Eleanor De Jesus at OIC-APCO Cavite, Bb. Lorena Jimeno.






All content is in the public domain unless otherwise stated.