Panunumpa ng mga Bagong Opisyal ng Department of Agriculture Employees Association IV-A, Isinagawa
Opisyal nang nanumpa ang mga bagong halal na pinuno ng Department of Agriculture Employees Association (DAEA) IV-A matapos ang isinagawang Oath-Taking Ceremony nitong Lunes, ika-30 ng
Marso, 2026.
Pinangunahan ni Regional Executive Director, Engr. Redelliza A. Gruezo ng DA Region IV CALABARZON ang panunumpa ng mga opisyal na inaasahang maglilingkod ng tapat, responsable, at may dedikasyon sa serbisyong publiko at kapwa empleyado.
Inatasan bilang Presidente ng samahan si Ms. Amor A. Dela Cruz, Ms. Julany Castillo bilang Vice- President, Ms. Rechelle M. Colico bilang Secretary, habang Assistant Secretary naman si Ms. Beverly
Imperial-Serrano, si Ms. Emily Alberto bilang Treasurer at Mr. Christopher Mayo bilang Assistant Treasurer, Engr. Ellen Joyce Alibusa Catambay bilang Internal Auditor, Mr. Bryan Katigbak bilang Public Relations Officer, at Board of Directors na sina Ms. Mary Ann Gajardo at Mr. Marc Alfiel Dimaculangan.
Samantala, ang panunumpang ito ay hindi lamang salita, kundi isang pangakong nakatakdang tuparin ng mga opisyal na magsisilbing gabay sa patuloy na paglilingkod ng may dignidad at respeto sa buong Kagawaran ng Pagsasaka.






All content is in the public domain unless otherwise stated.