Php4.9-M Halaga ng Hauling Truck, ipinagkaloob sa mga magmamais sa Quezon

 

 

Nagkakahalaga ng ₱4,990,000 ang hauling truck na ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV- CALABARZON (DA-4A) Corn and Cassava Program sa Butangiad Corn Farmers Association mula sa San Francisco, Quezon.

Dito ay nagkaroon ng opisyal na turnover ceremony at paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) bilang tanda ng kasunduan at pagtanggap ng samahan sa interbensyon noong ika-15 ng Agosto sa Lipa City, Batangas.

Inaasahan na ang hauling truck ay magagamit ng mga magsasakang-benepisyaryo sa direktang pagbebenta ng mga produkto sa mga institusyonal na mamimili kung saan hindi na nila kailangan pang dumaan sa mga traders.

Malaking pasasalamat naman ang ipinaabot ni G. Jerome Ruiz, presidente ng asosasyon dahil mas mapapadali at mapapabilis na ang paglilipat ng kanilang mga ani mula sa sakahan patungo sa mga pamilihan o trading post.

 

(Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)