Php5.2-M Halaga ng Hauling Truck, ipinagkaloob sa mga magmamais sa CALABARZON
Tinatayang ₱5,240,000 ang halaga ng dalawang hauling truck na ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Corn Program sa dalawang samahan ng mga nagtatanim ng mais at cassava sa rehiyon noong ika-10 ng Hulyo sa Lipa City, Batangas.
Sila ay ang Guinayangan Agriculture Cooperative at Nasugbu Corn and Cassava Farmers Association na layong matulungan sa maayos na paghakot at pagdadala sa merkado ng mga produktong mais at cassava. Inaasahan na sa pamamagitan ng bagong sasakyan ay direkta na silang makakapagbenta sa mga institusyonal na mamimili at mga konsyumer.
Ayon kay Roden Dulutan, ang business manager ng Nasugbu Corn and Cassava Farmers Association, malaking tulong ang naasikaso na nila ngayong taong 2026 ang pagiging akreditado na Civil Society Organization (CSO) upang makatanggap ng ganitong kalaki na interbensyon. Kayanaman buo ang pasasalamat ng kanilang samahan at nangakong iingatan ang bigay ng pamah laan.
Dagdag pa rito ang pagpapaalala ni OIC-Field Operations Division Chief Felix Joselito Noceda na siguruhin ang magiging pakinabang nito sa maraming kapwa magmamais lalo pa at higit sa 100 ang miyembro ng mga ito. Makakaasa aniya ang mga magsasaka sa patuloy na pagtingin ng Kagawaran sa kanilang mga pangangailangan at matugunan ito sa abot ng makakaya.


