Regional Awarding Ceremony ng DA-4A, sinimulan na sa lalawigan ng Batangas
Anim ang ginawaran ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa unang pagdaraos ng Regional Awarding Ceremony para sa mga Gawad Saka Awardees, Top Performing Farmers Cooperatives and Associations (FCAs), at Agricultural Extension Workers (AEWs) sa lalawigan ng Batangas para sa taong 2025, noong ika-2 ng Marso sa Lipa City, Batangas.
Ito ay upang kilalanin at bigyang parangal ang mga natatanging indibidwal at organisasyon para sa kanilang pamamaraan ng pagsasaka, pag-ambag sa pagtiyak ng seguridad ng pagkain sa kanilang mga komunidad, at pagtulong sa pag- unlad ng lokal na agrikultura.
Ilan sa mga pinarangalan ay ang Talahib Pandayan Rural Improvement Club para sa Outstanding Barangay Rural Improvement Club, Samahan ng Masaganang Magsasaka ng Talahiban 1.0 at Talahiban 2.0 para sa Rice Program, Batangas Egg Producers Multi-purpose Cooperative (BEPMPC) para sa Livestock – Poultry, Batangas Mango High Value Growers Agriculture Cooperative para sa High Value Crops Development Program (HVCDP) -Mango, Libato Farmers Husbandry and Corn Farming Association para sa Corn Program, at si Gng. Luz Labit bilang Outstanding Agricultural Extension Workers (AEW) ng HVCDP.
Ipinahayag ni OIC- Regional Executive Director Engr. Redelliza Guezo ang kahalagahan ng patuloy na pagpapatibay ng kanilang ugnayan sa iba’t ibang sektor upang matagumpay na maisakatuparan ang mga programa ng Kagawaran para sa mga magsasaka at mapaunlad pa ang agrikultura sa lalawigan ng Batangas.
Lubos naman na nagpasalamat sa mga natanggap ang kinatawan ng samahan ng Masaganang Magsasaka ng Talahiban 1.0 at Talahiban 2.0 na si G. Marcelo Bagnes sa patuloy na pagkilala sa kanilang pagsisikap at paglunsad ng iba’t ibang Programa na makakatulong sa mga magsasaka. Samantala, magpapatuloy ang parangal para sa ibang lalawigan sa mga susunod na linggo.
(Dhestine Gayle Macasaet, DA-4A RAFIS)






All content is in the public domain unless otherwise stated.