Tatlong agri-enterprise sa CALABARZON, kasali sa Agrilink 2025 sa Pasay
Kasali sa Agrilink, Foodlink, Aqualink 2025 ang tatlong agri-enterprise na pambato ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pagbubukas nito simula noong ika-2 hanggang ika-4 ng Oktubre sa World Trade Center, Pasay City, Manila.
Ang Agrilink, Foodlink, Aqualink 2025 ay itinuturing na isa sa mga pinakamalaking exhibisyon ng mga produkto sa lokal at internasyonal. Nagsisilbi itong malaking pagkakataon para sa mga agri-fishery enterprise na maipakilala ang mga produkto at mapalawak ang merkado.
Sa tulong ng DA-4A Agribusiness and Marketing Assistance Division, naging kalahok dito ang Buklod-Unlad Multi-Purpose Cooperative tampok ang mga premium-quality pork products mula sa Taysan, Batangas at ang A&Z Food Products dala ang espesyal na mga mani at chips mula sa Los Baños, Laguna.
Dito ay mayroon pang booth ang Kagawaran para sa Young Farmers Challenge (YFC) national awardees kung saan kabilang ang Hiyas Urban Mushroom Farm, mula sa Rodriguez, Rizal, na nakapagbenta ng kanilang mga produkto kalakip ang pagbabahagi ng mga kaalaman at karanasan
mga dumalo.
Ayon kay Ms. Regina Patungan, co-owner ng Hiyas Urban Mushroom Farm, hindi natatapos sa pagkapanalo sa nasyonal ang tulong sa kanila ng YFC. Malaking bagay aniya ang patuloy na makasali sa mga malalaking exhibits nang libre para sa mas malawak na merkado, malaking kita at rekognisyon.






All content is in the public domain unless otherwise stated.