TINGNAN: Ilan sa mga magsasakang naapektuhan ng African Swine Fever sa Teresa, Rizal nakatanggap ng mga kambing bilang bahagi ng Alternative Livelihood Assistance Program ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon 4-CALABARZON.

Ayon sa Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ng Teresa, ang mga benepisyaryo ang silang pumili ng Goat Production Module para maging kanilang bagong hanap-buhay o karagdagang pagkakakitaan.

[Photos Courtesy of FITS Teresa, Rizal]