Higit 1,200 na magpapalay mula sa bayan ng Santa Maria, Siniloan, at Famy, Laguna ang nakatanggap ng tig-lilimang libong piso (P5000) noong ika-14 ng Oktubre.
Ito ay sa pamamagitan ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A).
Sa pangunguna ni OIC-Regional Executive Director Milo delos Reyes ay ipinaunawa sa mga magsasaka ang halaga ng implementasyon ng Republic Act (RA) 11203 o βRice Tarrification Lawβ. Dito nanggaling ang tulong-pinansyal kung saan ang taripang nakukuha sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa ay ginagamit sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura.
Dalawa sa mga benepisyaryong magpapalay sa Laguna ang nagpahatid ng pasasalamat sa handog na ayuda ng kagawaran.
Si Patricia Cruzada na isang magpapalay mula sa Santa Maria ay nagsabi na bukod sa ipambibili ang natanggap na pera ng abono ay ipambabayad rin ito ng mga nakaraang utang sa iba pa niyang ginastos sa sakahan.
Si Baltazar Ponclara naman mula sa Siniloan ay binigyang-diin ang kahalagahan ng karagdagang tulong ng limang libo para sa pambayad nila ng upa sa motor na nirerenta nila para magdala ng kanilang mga produktong palay. #### (Danica Daluz)