F2C2 program ng DA-4A, mas pinalawig sa probinsya ng Quezon

Patuloy ang pagpapalawig ng programang Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa pamamagitan ng isinagawang cluster monitoring, enterprise assessment, at cluster development plan workshop sa probinsya ng Quezon. Noong ika-21 hanggang 24 ng Pebrero, tinutukan ng F2C2 Team ang mga samahan ng magsasaka sa bayan ng San Francisco, – continue reading

Lalawigan ng Quezon, AI Free –DA

Idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang probinsya ng Quezon bilang Avian Influenza (AI) Free, noong ika-21 ng Pebrero, sa bisa ng Memorandum Circular No. 09 na nilagdaan ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban. Matatandaang naitala noong ika-20 ng Hulyo taong 2022 sa probinsya, ang kumpirmadong kaso ng Highly Pathogenic AI (HPAI) Subtype H5N1 sa – continue reading

DA-PRDP subproject na mango processing facility sa Tanauan, bukas na

Sinimulan na ang operasyon ng isang mango processing facility sa Brgy. Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas na bahagi ng proyektong Tanauan City Mango Trading and Processing Enterprise ng DA-PRDP at Magsasakang Tanaueño Agricultural Marketing Cooperative (MTAMC). May lawak ito na 90-metro kwadrado kung saan gagamitin ang mga makinaryang mula rin sa proyekto tulad ng pulper – continue reading

8 pasilidad para sa mas episyenteng produksyon ng pagkain, ipinagkaloob sa mga grupo ng magsasaka sa Calabarzon

Walong agrikultural na pasilidad ang opisyal na ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) sa mga samahan ng magsasaka sa bayan ng Laguna at Quezon sa isinagawang Turnover Ceremony ng DA-4A Regional Agricultural Engineering Division (RAED) noong Pebrero 15-17, 2023. Ito ay ang Canal Lining, Multi-Commodity Solar Dryer, Solar-Powered Irrigation System (SPIS), Solar-Powered Fertigation System – continue reading

P151-M halaga ng abono, ipapamahagi ng DA-4A sa mga magpapalay; 13,929 nakatanggap na

Aabot sa P151,215,433 halaga ng Fertilizer Discount Voucher (FDV) ang inilaan ng gobyerno at nakatakdang ipamahagi sa mga magpapalay ng CALABARZON. Ang FDV ay programa ng Department of Agriculture (DA) na sumusuporta sa mga maliliit na magpapalay upang masiguro ang patuloy na produksyon ng palay sa bansa. Tinatayang P145,159,100 halaga ng FDV na ang naipamahagi – continue reading

Kabuuang 24-K Ha. ng organikong sakahan target ng DA-4A

Layunin ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) Organic Agriculture Program (OAP)  ay ang kabuuang 24,883.45 Ha. sa kasalukuyang 22,927.94 Ha. ng taniman para sa organikong pagsasaka sa rehiyon.  Ito ang isa sa isinusulong sa isinagawang Information Caravan on Organic Agriculture sa lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal, noong ika-14 hanggang ika-17 ng Pebrero.  Sentro – continue reading