11 Clusters ng Batangas, Laguna, Rizal, inihanda ng DA-4A sa pagbabalangkas ng Operations Manual

Sumailalim ang labing-isang cluster mula sa Batangas, Laguna at Rizal sa Training on Operations Manual na pinangasiwaan ng Department of Agriculture – IV Calabarzon (DA-4A) Farm and FisheriesClustering and Consolidation (F2C2) Program noong ika-7 hanggang ika-8 ng Agosto sa Boy Scouts of the Philippines, Los Baños, Laguna. 


Ang pagsasanay ay layong turuan ang mga cluster sa paghahanda ng kanilang operations manual na magiging gabay at pamantayan ng mga proseso sa kanilang pagnenegosyo. Tinalakay sa mga kalahok ang mga mahahalagang aspeto ng pagbalangkas ng manwal kabilang ang Organizational Chart and its Job Descriptions; Production Schedule and Management; Employment Policies and Benefits; Documented Processes and Systems, Emergency Procedures; at Quality Control Procedures.


Sa pagtatapos ay nagkaroon ng pagkakataon ang bawat cluster na maipresenta ang kanilang mga nagawang output gayundin ang pagbibigay ng mga suhestyon at rekomendasyon ng bawat isa at ng mga kawani mula sa F2C2. Nagpasalamat naman si OIC- RTD for Operations and Extension, Engr. Redelliza Gruezo sa patuloy na pagsusumikap ng bawat isa para sa ikatatagumpay pa ng mga clusters sa rehiyon.


Kabilang sa mga dumalong cluster ang Galalan Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative; Al-Megatro Water Users Association, Inc.; KAMAHARI Agri-Based Multi-Purpose Cooperative; L7 Livestock Agriculture Cooperative;Cacao Farmers Association of Nagcarlan, Mataas na Kahoy Cacao Growers Association, CASILE-Guinting Upland Marketing Cooperative; AGAP Farmers Association of Pangil, Laguna, Asosayon ng mga Magsasaka ng Gatid; Pangkalahatang Samahan ng Magsasaka sa Siniloan; at Amoranto Social and Economic Community Organization.####