15 km-kalsadang DA-PRDP, itatayo sa Mulanay
Tinatayang 200 mag-aaral mula sa Famy National Integrated High School ang lumahok sa ginanap na “Information Caravan on Agriculture for the Youth” ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) noong ika-13 ng Disyembre sa Famy, Laguna.
Layon ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataan na subukang tahakin ang landas ng agrikultura para sa kolehiyo at ihayag ang kanilang magagawa para sa seguridad ng pagkain sa bansa. Pinangunahan ito ng DA-4A Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS) katulong ang paaralan at Sangguniang Kabataan Federation ng Famy, Laguna.
Kabilang sa mga tinalakay dito ang kabuuang kahulugan at kahalagahan ng agrikultura, progreso nito sa paglipas ng panahon, at mga kurso na maaaring kuhanin ng mga mag-aaral para sa kolehiyo.
Naging mga tagapagsalita sina Gamelzar P. Dean mula sa Planning, Monitoring, and Evaluation Division (PMED) at Dennis DL. Bihis ng Quezon Agricultural Research and Experiment Station (QARES).
Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong at lumapit sa mga tagapagsalita sa huling bahagi ng aktibidad.
Si Angela Teodoro na nasa ika-12 baitang ay ikinatuwa ang oportunidad na makasali sa aktibidad lalo pa at aniya ang kurso na balak niyang kunin ay maaari rin pala niyang gawin sa sektor ng agrikultura gaya ng pagiging engineer.
#### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)