Nagsagawa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Training on Product Development para sa mga kinatawan ng labing pitong (17) Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) o clusters ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program noong ika-12 hanggang ika-14 ng Hulyo, 2023, sa Sta. Rosa, Laguna.
Kaugnay ito ng patuloy na pagpapataas ng kapasidad ng mga clusters upang gumanda ang kanilang produksyon, pamamahala ng Samahan, at pakikipag-kalakalan.
Tampok sa naturang pagsasanay ang mga napapanahong value-adding agricultural commodities, paggawa ng business model canvas, pagpa-package ng produkto, pagbuo ng isang brand, organikong pagsasaka, e-commerce, at KADIWA program.
Dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan ng mga sumusunod na FCAs: Calamba Upland Farmers Multi-Purpose Cooperative, Tumbaga I, Bucal Irrigators Association (TBIA), General Trias Dairy Raisers MPC, Luntian Multi-Purpose Cooperative, Grupong Magsasaka ng San Nicolas, Luisiana Cacao Growers Cooperative, Corn Growers Association of Tayabas, Infanta-General Nakar Producers Cooperative, Alabat Cacao Growers Association, Bailen Coffee Growers Association, Silang Cacao Growers Association, High Value Crops Marketing Cooperative of Quezon, Rosario Farmers Association, Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan (SICAP), Quezon Agricultural Farmers Multipurpose Cooperative (QUAFMUCO), Llano Farmers Multi-Purpose Cooperative, at JalaJala Farmers Marketing Cooperative.
Naging daan din ang pagsasanay upang makapag-ugnayan o tulungan ang bawat clusters.
Ayon kay F2C2 Program Focal Person Bb. Jhoanna Santiago, patuloy ang panghihikayat ng DA-4A na magbuklod ang mga FCAs bilang isang malaking cluster. Ito ay upang maging prayoridad sila pagdating sa malalaking interbensyon o suporta ng Kagawaran tungo sa masaganang agrikultura at maunlad na ekonomiya.