17 feed establishments sa rehiyon dumalo sa Livestock and Poultry Feeds Act Seminar ng DA-4A

 

 

Dumalo ang 36 representante mula sa 17 feed establishments sa rehiyon sa isinagawang Stakeholders‘ Seminar on the Online Registration of Animal Feed Establishments and Related Regulatory Policies ng Department of Agriculture Region IV- CALABARZON (DA-4A), noong ika-6 ng Nobyembre, sa Lipa City, Batangas.

Kabilang rito ang SoroSoro Ibaba Development Cooperative, Sunjin Philippines Corporation, Vision 2000 Feedmills Corporation, Jetbest Animal Nutrition and Health Care, Inc., Clarc Feedmill, Inc., Easy Bio Philippines Inc., Emmanuel Feeds Production Corporation, Primera Agro Development Corporation, Nathaniel Feedmills Corporation, Sustamina Agri-Industrial Corporation, Everlast Agro- Industrial Corporation, Rizal Poultry & Livestock Association, Inc., Quezon Poultry & Livestock Corporation, Ginintuan Agro- Instrial Corporation, Great Admiral Feedmills Corporation, Padre Garcia Development Cooperative, at Powerful Development Ventures Corporation.

Sentro ng aktibidad ang pagbabahagi ng implementasyon ng Republic Act 1556 o ang Livestock and Poultry Feeds Act kung saan mandatong mairehistro ang mga samahan o establisyemento na gumagawa at nagbebenta ng pakain sa hayop o feeds.

Ayon kay Regulatory Division Quality Control and Inspection Section Chief Zaldy Calderon, ang partisipasyon ng iba’t ibang pamunuan ng feed establishment ay isang hakbang upang masiguro ang kalidad at kaligtasan ng pakain sa alagang hayop at pagkaing kinokunsumo ng mamamayan.

Parte ng programa ang pagbabahagi sa mga hakbang ng aplikasyon sa InterCommerce Network Services, mga pamamaraan upang makamit ang Good Manufacturing Services, at stakeholders’ forum.

Nagpasalamat sa Kagawaran si Gng. Marites Delen, representante ng SoroSoro Ibaba Development Cooperative, sa pagdaraos ng aktibidad, kung saan aniya mas nabigyang linaw ang obligasyon at mandato ng mga establisyemento sa produksyon ng feeds na kinakailangan ng industriya ng pagsasaka.Inaasahang ang mga komento at suhestyon na nailatag ay maibabalangkas sa mga CDP ng mga opisyal ng clusters at katuwang mula sa mga lokal na pamahalaan para mas maging kapaki-pakinabang sa mga magsasaka ng rehiyon.