Nakatanggap ng tig-P5000 ang 2,546 na maliliit na magpapalay sa Guinayangan, Lopez, Gumaca, at Atimonan, Quezon noong 29-30 Setyembre 2022 alinsunod sa patuloy na implementasyon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program.
Pawang mga rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at may hindi lalagpas sa dalawang ektaryang palayan lamang na mga magsasaka ang maaaring makatanggap sa ilalim ng naturang programa.
Ilan sa mga nabahagiaan ay ang mag-asawang sina Felipe at Rosa Concepcion mula sa Lopez, Quezon na buo ang pasasalamat sa tulong ng DA-4A. Anila, magsisilbing karagdagang pambayad sa kanilang mga tauhan sa sakahan at pambili ng mga pataba ang natanggap na tulong. #### ( Danica Daluz)