Aabot sa 212 fuel discount cards at fertilizer discount vouchers ang naipamahagi ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) para sa mga magmamais ng lungsod ng Tanauan at Lipa, Batangas.
Ito ay bahagi ng patuloy na implementasyon ng Fuel and Fertilizer Discount for Corn Farmers Programs upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at abono sa kabuhayan ng mga magsasakang-benepisyaryo.
Ang fuel discount card ay naglalaman ng P3,000 na maaaring ipambili ng gasolina para sa makinaryang pangsaka gaya ng traktora. Ang fertilizer discount voucher naman ay naglalaman ng P2,000 na maaaring ipambili ng abono.
โMagandang programa ito dahil mababawasan ang aming gastos sa pagsasaka. Ramdam namin ang gobyerno!โ ani Garry Pecayo, magmamais ng Tanauan, Batangas.
Samantala, siniguro ni OIC-Regional Executive Director, Engr. Abelardo Bragas, na patuloy ang suporta ng DA-4A sa mga magsasaka sa rehiyon sa pamamagitan ng mas maagap at masusing paghahatid ng interbensyon gaya ng Fuel and Fertilizer Discount Programs.
Kasabay ng aktibidad ay namahagi din ang DA-4A ng 20 fermentation crates, 200 sako ng organikong pataba, 50 sako ng binhi ng dilaw na mais at 250 bote ng organikong pestisidyo para sa mga nagsipagdalong magsasaka.
Dumalo din sa nasabing pamamahagi sina Tanauan City Mayor Nelson โSonnyโ Collantes, DA-4A OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Marcos Aves, Sr., OIC-Regional Technical Director for Research, Regulations and Integrated Laboratories Fidel Libao, Regional Agricultural Engineering Division Chief Romelo Reyes at iba pang kawani ng DA-4A. #### (ย ย Radel Llagas)