Isinulat at Mga Larawan, Kuha ni: Nataniel R. Bermudez
Matagumpay ang ika-tatlong ulit na pagdaraos ng TienDA na ginanap sa Ayala Malls Solinad II, Sta Rosa City, Laguna noong ika-pito at walo ng Hulyo, taong kasalukuyan.
Ang nasabing TienDA na pinangunahan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa pakikipagtulungan sa nangangasiwa ng Ayala Malls, ay nilahukan ng 23 samahan ng magsasaka na kung saan libre silang makapagtinda ng kanilang produkto.
“Sa tulong ng Ayala Malls, ito na ang ikatlong beses na makapagtinda ang mga magsasaka at mangingisda ng CALABARZON. Ito ang paraan upang matulungan ang mga grupo ng mga magsasaka/mangingisda at maliliit na negosyante na maipakilala ang di-kalidad nilang produkto at abot kaya ang presyo. Unang inilunsad ang TienDA noong Enero 20-21 sa Activity Center at nasundan noong Mayo 5-6, parehong sa Ayala Malls,” ayon kay Editha Salvoza, hepe ng AMAD.
“Na dahil sa nakita ang performance ng TienDa sa kalidad ng paninda, kaayusan sa pagtitinda at dami ng mga namimili minarapat ng Ayala Malls na gawin ito tuwing unang sabado at linggo ng buwan. Mag-uumpisa ito sa susunod na buwan ng Agosto,” dagdag niyang sinabi.
Ang mga negosyanteng sumali ay ang mga sumusunod: Ardonn Farm ng Sta. Maria, Laguna; Cacao Growers Association of San Antonio ng Quezon; Passion Fruit and Vegetable Marketing Association of Lucban (PAFVEGMAL) ng Quezon; Soro-soro Ibaba Development Cooperative (SIDC) ng Batangas City, Batangas; Tindahan ng Itlog ni Kuya, Victoria, Laguna; Magra Nutri Foods, Pangil, Laguna; Kapfer and Rivera United, Inc., Silang, Cavite; Tubo ko, Dasmariñas, Cavite; Mira’s Turmeric Products, Lipa City, Batangas; Sinlikas Packaging Inc. Lipa City Batangas; Kusina Batangueña Home Cannery, Mataas na Kahoy, Batangas; Edna and Rebecca’s Banana Chips & Coated Peanut ng Batangas City, Batangas; Carm Foods Enterprise, Inc., Rosario, Cavite; The Hidden Mushroom, Silang , Cavite; Alabat Island KAANIB Coco Sugar Producers Association ng Quezon; Southern Luzon Farmers Trading and Marketing Cooperative (SALUFATMACO), Silang, Cavite; Silanlg Cacao Grower’s Association ng Cavite; Batangas Organic and Natural Farmers Association, Nasugbo, Batangas; Magalolon Farmers Association ng Kalayaan, Laguna; SIPAG Quezon ng Pagbilao, Quezon; Roysanche Food Products, Sto Tomas, Batangas; Delicious Food Products ng Batangas City at Venje and Venho, Batangas City.