Binigyan ng pagkilala ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang 28 
indibidwal, asosyasyon, at kabataan sa ginanap na 2023 Regional Organic Agriculture Congress
(ROAC)  na may temang “Kabuhayang OA, Kinabukasang OK!” noong ika-23 ng Oktubre, sa
Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna. 

Nilalayon ng Regional Organic Agriculture Program sa pamamagitan  ng ROAC na mapagsama-
sama ang mga nagtataguyod ng organikong pagsasaka, pambayan at panlalawigang pamahalaan
sa rehiyon, at ang Kagawaran ng Pagsasaka upang magpagpulungan ang lakas, sigla, at
pagpapalawig ng nasabing industriya.  

Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal ay sina G. Gabriel Arubio bilang Luzon Small Farmer
Representative for Crops ng National OA Board; Gng. Rizalie Galang, G. Rafael Silva, G. Michael
Trivinio, G. John Ross Solanzo, at G. Gloria Mojica para sa kanilang natatanging istorya  ng
tagumpay; Bb. Suzette Sales, G. Mark Reden Costales, G. Eduardo Cleofe, at Gng. Alicia Valdoria
bilang Farm Partners para sa Youth Scholarship Grant on Organic Farming; at ang Samahan ng
Organikong Industriya ng Laguna Agriculture Cooperative (AC) bilang 1st Accredited
Participatory Guarantee System (PGS) Certifying Body sa rehiyon at ang Batangas Organic and
Natural Farm AC bilang PGS Core Group. 

Iginawad din sa aktibidad ang OA Livelihood Project para sa YAKAP AT HALIK MULTI-PURPOSE
COOPERATIVE, Quezon Organic Agriculture Cooperative, Puypuy Farmers’ Association Inc.,
Samahan ng Mamamayan ng Cuyambay sa Asenso at Yamang Organico, at Balete Family Farm
School at ang sertipiko ng pagkilala sa mga Organic Agriculture Youth Scholars na sina G.
Romark Glen Navarro, G.Rey Anthony Lamac, G.Michael Mendenilla, G. Matthew Profeta, G.
Marcelino Jalosjos, Jr., Bb.Jovelyn Bandillo, G. Jerome Francisco, G. Jefferson Planillo, G. Franz
Victor Mendoza, G. Francis Cuento, at G. Christian Fernandez. 

Sila ay binigyang pagpupugay ni Regional Executive Director Milo delos Reyes sa natatangi
nilang dedikasyon at kontribusyon upang makilala at maabot ang kahalagahan ng larangan sa
kamalayan ng mamamayan. Aniya, hindi dapat balewalain ang industriya sapagkat ito ang
solusyon upang mabigyang proteksyon ang kalikasan at makamit ang magandang kalusugan ng
sambayanan. 

Bahagi rin ng programa ang pagtalakay ng Organic Feed Preparation na ibinahagi ni National
Organic Agriculture Board Member Dr. Victorio Fernando Nacpil.

Dumalo rin sa aktibidad sina OAP Focal Person Gng. Eda Dimapilis; DA Agricultural Training
Institute CALABARZON Center Director Rolando Maningas; National OAP Project Development
Officer III Bb. Maria Lourdes Yasoña; Laguna Provincial Administrator Atty. Dulce Rebanal at
Provincial Agriculturist G. Marlon Tobias; General Nakar, Quezon Mayor Eliseo Ruzol; 
Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite Mayor Dennis Glean; CALABARZON City and Municipal
Agriculture Officers; at DA-4A Division Chiefs and Station Chiefs.