Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ng 10 babaeng kalabaw at 20 babaeng baka sa 30 magsasaka mula sa bayan ng Lobo, Bauan, Mabini, at San Pascual, Batangas noong ika-5 ng Enero.
Pinangunahan ang pamamahagi nina OIC-Regional Technical Director for Operations Engr. Abelardo R. Bragas at OIC-Regional Technical Director for Research and Regulations Engr. Marcos C. Aves, Sr.
Ayon kay Dr. Jerome G. Cuasay, Livestock Banner Program Coordinator, ang mga naipamahagi ay aalagaan at pararamihin ng mga benepisyaryo, saka ipapamahagi sa mga kapwa magsasaka sa komunidad at maaaring ibebenta bilang dagdag kabuhayan.
“Maraming salamat po sa DA-4A dahil bukod sa magagamit sa sakahan, magagamit din naming dagdag-puhunan ‘yong pera na makukuha namin ‘pag naibenta na ‘yong mga baka,” ani G. Elmer G. Laylay, maggugulay mula Brgy. Bayanan, San Pascual ####( ✍Reina Beatriz P. Peralta, DA-4A RAFIS; 📸Engr. Alex Follosco Jr, DA-4A Office of Regional Technical Director for Research and Regulations)