Tinatayang 301.18 kilometro ng mga Farm-to-Market Road (FMR) sa rehiyon ang naihanda ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) simula buwan ng Enero hanggang Nobyembre taong 2022 at nakatakdang sumailalim sa konstruksyon para sa susunod na taon.
Ito ay base sa paglalahad ng Regional Agricultural Engineering Division (RAED) ng estado ng balidasyon ng konstruksyon ng FMR sa ibaโt-ibang bahagi ng rehiyon sa ginanap na RAED Year-End Assessment 2022 noong ika-23 ng Nobyembre.
Ang mga isinasagawang FMR ang nagkokonekta ng mga sakahan o pangisdaan sa merkado. Sa pamamagitan nito ay mas napapabilis at maayos ang pagdadala ng mga agrikultural na produkto sa mga trader at consumer.
Naipresenta rin sa naturang aktibidad ang iba pang estado ng balidasyon, geo-tagging, pagsasarbey, at preparasyon ng RAED para sa mga Small Scale Irrigation Projects (SSIP), agrikultural na imprastraktura, makinaryang-pangsaka, at iba pa. Maging ang mga isyung nakita sa pagsasakatuparan ng mga target ay inihayag din bilang paghahanda sa susunod na taon.
Ayon kay OIC-Regional Technical Director for Operations and Extension Engr. Marcos Aves Sr., napakahalaga ng motibasyon at pagkakaisa ng mga bumubuo sa RAED upang maisagawa ang mga target, dahilan upang maabot ang mataas na porsyento ng mga accomplishment.
Lubos naman ang pasasalamat ni OIC-RAED Chief Engr. Romelo Reyes sa sigasig ng mga kawani simula sa pagpaplano, eksekyusyon, at implementasyon hanggang sa pagmomonitor ng bawat proyekto at aktibidad ng dibisyon. #### (โ๐ป๐ธDanica Daluz)