33 mga magsasaka na nagmula sa lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal ang sumailalim sa pag-aaral tungkol sa pagpupuro ng binhing buto ng palay (Inbred Rice Seed Production and Certification) na ginanap sa Calamba, Laguna noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-3 ng Agosto 2019.
Ang mga mag-aaral ay nahati sa dalawa: ang unang labing apat (14) na magsasaka ay dumalo para sa pagpapanibago ng kanilang kaalaman at lesinsya (retooling) bilang inbred seed growers; at ang labing siyam (19) naman ay tungkol sa basic seed production and certification bilang pangunahing hakbang para kilalanin din sila na maging seed growers.
Ang naging taga-pagsalita ay si Regional Technical Director Dennis R. Arpia, OIC ng Operations at Extension ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON. Ipinaalam niya ang kakulangan ng seed growers sa rehiyon na siyang bunsod sa napakalaking agwat na bilang sa mga butong pananim na inbred na kailangan ng mga magsasaka sa rehiyon.
Binigyan diin pa rin ni RTD Arpia sa mga mga magsisipagtapos na bumuo kaagad ng kooperatiba o makiisa sa mga seed growers sa kanilang lugar na may kooperiba para mapadali ang pakikipag-ugnayan at mapabilis din ang transaksiyon ng negosyo sa Kagawaran batay sa kanyang alituntunin.
Ang tatlong araw na pag-aaral ay sama-samang binuo ng: DA RFOIV – Rice Banner Program at Regional Crop Protection Center; Philippine Rice Institute ng Los Banos, Laguna; National Seed Quality Control Service ng Bureau of Plant Industry; Manager ng CABSeeds – Cabanatuan MPC; at lokal na pamahalaan ng nasabing tatlong lalawigan. #NRB DA-RAFIS