Pormal na binigay ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project Regional Project Coordination Office Calabarzon at pamahalaan ng Batangas ang higit Php 36.4 milyong proyektong pangnegosyo sa tatlong farmers cooperatives and associations (FCAs) sa Batangas.
Ang mga nasabing proyekto ay ang Seaweeds Production and Marketing na tinanggap ng Layon Carbonan Chapter Seaweeds Farmers sa Calatagan, Batangas Kapeng Barako Production and Processing na inihatid sa Aga Farmers Multipurpose Cooperative sa Nasugbu, at ang Batangas Dairy Cattle Production na ibinigay naman sa Batangas Dairy and Multipurpose Cooperative sa Lipa City.
Layon ng mga proyektong mas palaguin pa ang sektor ng agrikultura sa mga nasabing lugar partikular na sa industriya ng seaweeds, kape, at gatas at paunlarin ang pamumuhay ng mga magsasakang nakatuon sa produksyon ng mga ito.
βTaos-puso kaming nagpapasalamat sa DA-PRDP sa pagtulong sa aming magkaroon ng mas maayos at mas mahusay na processing facility ng aming aning kape. Sisikapin po naming mapalakas ang aming negosyo tungo sa mas mataas na kita at pagpapatuloy ng produksyon at bentahan ng barakong kape ng Batangas,β ani Gemma Barlaan, general manager ng Aga Farmers multipurpose Cooperative.
Kasama sa seremonyas sina Batangas Governor Hermilando Mandanas, DILG Assistant Secretary for Community Participation Elizabeth Lopez De Leon, CDA-4A Regional Director Salvador Valeroso, at DA-4A Batangas Agricultural Program Coordinating Officer Elizabeth Gregorio.#