Tatlumpung-anim (36) na agrikultor mula sa Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang dumalo sa10th Philippine Association of Agriculturists (PAA) National Congress & 2023 Philippine Agriculturists’ Summit na may temang “Sustainable Transformation of Philippine Agro-Food Systems,” na ginanap noong ika-25 hanggang ika-27 ng Hulyo sa SMX Convention sa Davao City.
Layunin ng aktibidad na maging daan upang maging epektibo, handa, at mapabilang ang mga Pilipinong agrikultor na tumugon sa mga opurtunidad at hamon para sa pag-unlad ng agrikultura ng bansa.
Ninanais ng PAA na magkaroon ng mga bagong ideya at inspirasyon ang mga nakilahok sa paggawa ng mga polisiya, pananaliksik, pagsasanay, pagbuo at pagsisimula ng negosyo at iba pang mga gawain para sa pagpapaunlad ng komunidad na nababagay sa kani-kanilang lugar. Layunin din ng summit na magkaroon ng epektibong komunikasyon ang bawat tanggapan, pribado man o sa gobyerno na konektado sa larangan ng agrikultura.
Samantala, nagkaroon ng talakayan ng ibat-ibang paksa na naangkop sa nabanggit na tema na ipiniresinta ng mga opisyales ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong samahan tulad ng National Economic and Development Authority (NEDA), Bureau of Soils and Water Management (BSWM), World bank, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), East West International Education Specialists Inc. , Nestle Philippines Inc., Tagum Agricultural Development Company Inc., Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), Straw and Innovations Ltd., DA, Agricultural and Training Institute (ATI), Bureau of Plant Industry (BPI), Office of the Province of Agusan del Sur, Office of the Province of Davao del Norte, Office of the Province of Iloilo, Department of Trade and Industry (DTI), at University of the Philippine Los Baños (UPLB).
Ayon kay Bb. Anne Mirjam Atienza, Municipal Agriculturist ng bayan ng Laurel, Batangas, magandang opurtunidad ito dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na madagdagan ang kanyang koneksyon mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong samahan na makakatulong sa kanilang bayan. Nagkaroon din siya ng inspirasyon at mga bagong ideya mula sa mga presentasyon ng mga lalawigan para sa mas ikakaunlad ng sektor ng agrikutura sa kanilang bayan.
Dumalo din sa nasabing aktibidad si DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban at nagpahayag ng pasasalamat at suporta sa naturang asosasyon. Mula naman sa DA-4A dumalo ang mga kawani mula sa mga dibisyon ng Field Operations, Research, Agribusiness and Marketing Assistance, Planning, Monitoring and Evaluation, Regulatory, at Integrated Laboratories.