Mahigit 40 Provincial Corn Coordinators, Report Officers, Agricultural Extension Workers at mga magsasaka ang dumalo sa Site Specific Nutrient Management (SSNM) on Corn Production noong ika-18 at ika-19 ng Hulyo 2019 sa Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON – Lipa Agricultural Research Experiment Station (LARES), Lipa City, Batangas.
Ito ay pinangunahan ni Avelita D. Rosales, Hepe ng LARES at kasalukuyang Regional Corn Coordinator, Cassava at Sorghum. Naglalayon ito na mabawasan ang gastusin nang mga magsasaka sa mga farm inputs na binibili (abono, pestisidyo, at iba pa.) na hindi makakaapekto sa laki ng kanilang ani at kita.
Ipinaliwanag ni Gng. Avelita Rosales, na ang SSNM ay resulta ng apat na taon na pag-aaral sa mga trials at maliliit na demonstration farms na nag-umpisa pa noong 2008. Sa tulong ng Computer at sa datos na isasagot ng mga magsasaka ay makakagawa ng tamang rekomendasyon para sa wastong abono na kailangan, tamang pagkontrol ng peste at sakit, at iba pang kaalaman para sa paglaki ng kanilang aning mais.
Tinalakay din ni Gng. Rosales ang kahalagaan ng: Soil Analysis para malaman kung anong uring lupa, mga nuntrients at micro-nutrients na nandoon sa lupa; ang paghahanda ng lupa; ang agwat ng bawat tudling at pagitan ng butil sa pagtatanim; ang pagbibigay ng daming abono na kailangan ng halaman; ang tamang panahon sa paglalagay ng abono (Weather Condition); ang pagpapatubig, at pagpuksa ng insekto; ang tamang araw ng pag-ani at ang pamamaraan ng pag-imbak ng ani.
Sinabi ni Chairperson Pedrito R. Kalaw, Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) na naging panauhing taga-pagsalita, “na ang halaman ay para ring alagaing baboy, na kahit anong daming pagkain o bitamina na ibibigay sa baboy, kung hindi naman kailangan ng kanyang katawan ay itatapon din lamang. Sayang lamang iyong perang ginastos, kaya dapat alamin din natin ang pangangailangan ng ating halaman at limitasyon nito.”
Bilang RAFC Chairpeson ay inihayag din niya ang kanyang kagustuhan tumulong sa mga suliranin ng mga magsasaka ng mais lalo na sa suliranin sa merkado ng kanilang produkto.
Ang dalawang araw na pagsasanay ay kinakitaan ng kasiglaan. Kagaya ito ng panonood ng Video ng Best Management Practices at hands on activities. Ang mga naging taga-pagsalita ay sina: Cynthia DT. Leycano, Sr. Science Research Specialist; Angelica A. Dimaculangan, Science Research Assistant; Arlene V. Natanauan, Agriculturist I; Zoila Mendoza at iba pang Corn Staff; at Dr. Ponciano Halos ng Vital-N