Isinulat at Mga Larawan, Kuha ni Nataniel Bermudez
Mahigit 500 magkakakaw ang sumailalim at nagtapos sa pagsasanay tungkol sa Good Agricultural Practices (GAP) para sa produksyon ng kakaw para sa lalawigan ng Batangas na isinagawa ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV CALABARZON sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center, Tayabas City, Quezon noong Hulyo 4โ5, 2018.
Ang naturang pagsasanay ay isinagawa na rin ng High Value Crops Development Program (HVCDP) sa pangunguna ng Coordinator nito na si Engr. Redelliza A. Gruezo noong Mayo 16โ17 para sa lalawigan ng Cavite; Mayo 22โ23 at Hunyo 5โ6 sa lalawigan ng Quezon; Hunyo 19โ20 sa Rizal; at Hunyo 21โ22 sa Laguna.
Ipinaliwanag ni Engr. Gruezo na ang daan o pamamaraan upang makakuha ng mga ayuda mula sa Kagawaran ang mga magkakakaw ay magbuo muna ng samahan at makadalo sa mga pagsasanay tungkol sa pag-aalaga ng kakaw, tamang paraan sa pagpuksa ng mga peste at sakit, pangangasiwa sa kapaligiran, paggamit ng tamang pestisidyo at pag-aabono, at GAP.
Ang pagsasanay tungkol sa GAP at Philippine National Standards (PNS) ay tinalakay nina Rosemarie B. Olfato, Supervising Science Research Specialist, at Virgilia D. Arellano, Senior Science Research Specialist; Cacao Package of Technology Production ni Joel M. Alpay, Provincial Cacao Focal Person ng Quezon; Cacao Pest and Disease Management ni Cecille Marie C. Manzanilla, Chief ng Regional Crop Protection Center; at Safety Use and Handling of Agrochemicals ni Leticia Hernandez, Regional Chief ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).
Ang mga magsasakang dumalo ay tumanggap ng sertipiko. Namahagi rin 224,684 na cacao seedlings ang Kagawaran na paghahatian ng limang lalawigan at nagbigay ng rehabilitation assistance para sa isang ektaryang matatandang tanim na kakaw. Binanggit din sa mga nagsipagdalo ang mga ayuda na maaari pa nilang hilingin sa Kagawaran sa pamamagitan ng resolusyon.