« of 9 »

Namahagi ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A), sa pamamagitan ng Rice Program nito, ng anim na hauling truck sa Farmers’ Associations and Cooperatives (FCAs) mula sa mga probinsya ng Rizal at Batangas noong ika-5 ng Abril.

Ang hauling truck na nagkakahalaga ng Php2,387,272.00 kada yunit ay higit na mapapakinabangan ng mga samahan sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan.

Kabilang sa mga nakatanggap ay ang Tina Pantay Farmers and Irrigators’ Association, Incorporated; Samahan ng mga Pangulo ng Magsasaka sa Morong, Rizal Inc.; Federation of Baras Farmers, Inc.; Ang mga Nagkakaisang Irrigators’ Association sa Bayan ng Tanay, Rizal, Incorporated; Pililla Agricultural Employees’ Association mula sa Rizal; at Prenza, Bagabag, Bungahan Farmers’ Associations mula sa Batangas.
#### (✍📸RAFIS)